Chapter 4

What the? Muntik na siyang mapaurong nang makita ito. What was he doing? Nawala na ang galit na nakita niya kanina lang sa mga mata nito. Unti-unti na ring nalusaw ang inis niya rito habang pinagmamasdan ang lungkot sa mga mata nito. She could see he was pleading as he stared at her.  Ano na ba’ng nangyayari? Bakit may ganitong drama?

“I’m sorry.”

Nabalot ng katahimikan ang paligid sa isang iglap. Halos walang humihinga. Nakaantabay lang ang lahat sa kung ano ang susunod na mangyayari. Until he slowly bent a knee with his eyes down. Sabay-sabay na napasinghap ang mga taong naroon. Pati siya ay hindi na rin alam ang gagawin. Sapat na sa kanya na ang ‘sorry’ nito para sa ginawa nitong pagsusungit sa kanya. Hindi na kailangan ng ganitong eksena. Hanggang dahan-dahan ay nabaling muli sa kanya ang mga mata nito.

 “I’m sorry.” Ulit nito. Hindi pa rin niya maalis ang pagkakatitig sa mga mata nito. Namamalik-mata lang ba siya o sadyang tumabingi na ang utak ng lalaking ‘to? But she could see pure sincerity in his eyes.

Oo na! Sige na! You’re forgiven na! Manahimik ka lang! Tumigil ka na! Gusto niyang isigaw ngunit may kung anong pumipigil sa tinig niya para makalabas.

“I guess you really hate me that much.” Tumayo na ito at pinagpag ang mga tuhod. “I can’t force you to be back in my arms that soon. But I won’t give up; I know some things take time. For now, I’ll prove to you I can be the better man you deserve.”

And again, he left without any word from her. Tulala pa rin siya. Hindi pa yata tuluyang na-aabsorb ng utak niya ang mga nangyayari. Ano ba kasi ang mga pinagsasabi ng lalaking iyon? It was as if they were past lovers, with the guy begging forgiveness from his girl. What was he thinking?

Sa kanya na natuon ang atensyon ng lahat nang makaalis na ang hudas. Matalim ang bawat tingin na ipinupukol ng lahat. May ilan pang nagbubulungan habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Pero bakit gano’n? Wala naman siyang ginawang masama. Ngunit pakiramdam niya nang mga oras na iyon, siya na ang pinakamasamang tao sa mundo. Napayuko na lang siya at mabilis na tinahak ang daan palabas. She didn’t want to stay in that hell anymore. Minsan pa niyang narinig na may tumawag sa pangalan niya subalit hindi na siya nag-abalang lingunin pa kung sino iyon. Wala rin siyang pakielam kung sino pa ang makabunggo niya. She had get out of there bago pa niya dukutin isa-isa ang mata ng mga naroon. Pero uunahin muna niyang talupan ng buhay ang lalaking iyon!

    • me
    • February 3rd, 2010

    pki continue…plssssssss.hehe.thnx

  1. No trackbacks yet.

Leave a comment